Thursday, September 6, 2012
Binulong ko sa Hangin na Mahal Kita
Nagsimula ang kwento ng pag ibig ko sa isang biruan…lokohan lang na matatawag…sa isang outsourcing company ako nagtatrabaho noon taong 2005…magkakasama kami sa isang project nina Nick at Airah (di tunay na pangalan)…nung una si Nick ang may crush kay Airah pero dahil nga sa likas na palabiro ang loko sa akin na lang niya ito nireto at nakipag pustahan pa na hindi ko mapapasagot yung bebot. Ako naman si loko sumang ayon din. Sinimulan ko ang pan liligaw ko sa pamamagitan ng pagkuha ng number nya, nung una ayaw niyang ibigay pero nung huli nakumbinsi ko rin siya. Sinabi ko kasi na pinapakuha ng linelead namin sa akin ang lahat ng contact number ng ka project ko…ayos diba? Tapos ayun nga tinext ko sya, pinadalhan ko ng mga sweet quotes na pamatay…tumalab naman kasi nagreply siya sa akin ng “ang sweet naman ng mga quotes mo” siguro sweet ka in person, kaso pag nasa work tayo parang ang suplado mo naman”…tapos sabi ko pa epek ko lang yun para ma curious sila sa akin eh tumatalab naman pala. Naging text buddies kaming dalawa ni Airah at syempre naging mas close na kami sa work…ng malaman iyon ni Nik nagselos ang loko kasi sa halip na sa lakad na ako ng tropa sumama mas pinipili ko nang kasama ang bago kong prospect. Para mawala na ng pgtingin sa akin ni Airah ay ibinuko ng loko ang usapan namin, eh kaso sori na lang siya kasi naging sobrang close na talaga kami ni Airah kaya ala din nangyari dun…nagtampo lang siya ng konti pero okay naman kami…puro masasayang sandali ang naranasan ko sa piling ni Airah…no dull moments ika nga sa ingles. Pag break time na sabay-sabay kami nila Nick (bestfriend ko pa rin) kumain tapos syempre sa gitna si Airah para nasusubuan ako ng cheez curls…si Nick naman ewan ko kung bkit parang hindi natutuwa sa nangyayari sa amin…nagseselos ata ang kaibigan ko or natatakot siyang singilin ko siya sa pustahan namin? Sobrang bait talaga ni Airah at nagpapasalamat ako sa kanya kasi napagtitiisan nya ang pagiging moody ko…pinanganak kasi ako sa buwan ng Pebrero kaya medyo may pag ka kulang-kulang…sa work nalaman na nila na kami na ni Airah…so naging tampulan kami ng tuksong grupo…ang swerte naman daw ni Airah kasi ako ang BF niya eh ang itim naman daw ng kutis nya…aminado naman si Airah na medyo dark skinned nga siya pero para sa akin siya talaga ang pinakamaganda. Sa totoo lang kamukha niya yung former Ms. Universe ng India, si Sushmita Sen. Mahal na mahal ko na talaga si Airah kaya kahit anong sabihin nilang panira sa samahan namin eh walang epekto. Ganun naman ata talaga pag nagmamahal tayo, walang mahalaga kundi ang isat-isa, walang kapintasan tayong makikita kasi nga minamahal natin yung tao…tsaka wala namang perpektong tao diba? Minsan niyaya ko si Airah na pumunta sa bahay at mag inuman kami…pumayag naman siya tapos, nagsama pa kami ng dalawang kaibigan na malapit sa aming dalawa, yung indi kami ibubuko…kaya nung uwian na namin mula sa magdamag na pagtatrabaho dumiretso kaming pat sa bahay…bumili na rin kami ng mga uulamin at pupulutanin sa daan. Pagdating sa bahay, tinulungan nila akong magluto ng sinigang na tilapya…tsaka pritong galunggong…anlakas ng trip nmin nun kasi ba naman mga puyat tapos diretso na sa inuman…okay pa rin naman kami..pero syempre ang pakay talaga namin dun ni Airah eh ang makapag unwind at mag unload…hehehe. Dun ko unang natikman ang sarap ng mga halik ni Airah…sa mga patago at nakaw na sandaling iyon namin pinapawi ang mga pagod sa magdamag…stress reliever ang kanyang mga yakap at halik para sa akin…nagpaalam na yung dalawa naming kaibigan pagkatapos ng inuman na iyon…kami namang dalawa ay buong laya ng naglunoy sa kaligayahan… nakatulog kami na magkayakap ng umagang iyon at medyo madilim na ng magising. Nangilid ang luha ni Airah ng mapagtanto nya ang aming ginawa…pero indi iyon luha ng pagsisi…ang sabi nga nya…maswerte daw siya at ako ang first time nya…indi rin naman ako nag padaig dahil mas maswerte ako kasi mahal na mahal niya ako….at mahal na mahal ko rin siya.
Lumipas ang mga araw, mga taon na ang nagdaan pero okay pa rin kami…I mean we love each other so much at lagi nang parang miss na miss namin ang isat-isa…hanggang isang umaga pag pasok ko sa trabaho nagulat ako sa balitang kumakalat…kasal na si Airah…hindi sa akin kundi sa ibang lalake!Hindi siya pumasok nung araw na iyon. Ramdam ko ang pagkaawa ng mga kasamahan ko sa akin, lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin…indi ako nagpakita ng lungkot sa kanila…sa halip naging mas extra sweet ako at maalalahanin sa mga katrabaho ko…marami nga ang nagtatanong Ronel tao ka ba????? Ang sagot ko naman sa kanila, matagal ko nang alam na tao ako, at kaya ako ganito ay dahil sa katotohanang ang tao marupok, mahina…may dahilan siguro si Airah kung bakit nagawa nya ang ganoon…dahilang siya lang ay may alam. Bumilib sa akin ang mga kakilala ko at ka-trabaho dahil sa attitude ko na yun…pero ang hindi nila alam…ang hindi nila nahalata..ay ang mapait na mga ngiti at nananamlay kong mga mata…sa mga oras na hindi sila nakatingin sa akin…Isang araw pumasok na rin si Airah, agad na nagtama ang aming mga paningin…hindi siya makatingin sa akin ng diretsoo…pero naglakas siya ng loob na lumapit at sinabi niya, “Tol sori, sori talaga!! Ikaw ang mahal ko alam mo yan, pero hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa yun…nagduda kasi ako sa pag-ibig mo eh”.
Ang buong akala ko mahal mo ako? Nag-away pa kami ng kaibigan ko dahil sayo pero ayos lang Airah…siguro nga talagang hindi tayo ang magkapalad! Hindi na niya ako kinulit pa mula noon kasi alam nya na wala na rin namang mangyayari. We have to move on without each other na lang. Aaminin ko, dati talaga ang pag-ibig ko sa kanya ay biro lang, yun ang akala ko, pero natutuhan ko siyang mahalin sa kabila ng mga paninira ng iba sa amin. Pinaglaban ko naman siya e. Hindi niya pinahalagahan ang halos tatlong taon naming pagmamahalan. Nung huli pa ulit kaming magkita ni Airah nag request siya sa akin kung pwede ba daw niya akong mahalikan kahit sa huling pagkakataon…pumayag ako…mariin ang naging paghalik nya, at kasabay nun ay nalasahan ko ang luha niya…binulungan pa niya ako nito…”Alam mo naman talaga na mahal kita, nagkamali ako ng paghusga tol, pagsisihan ko ang bagay na ito habang-buhay…I want to have you sana, kaso ako ang naligaw…ako ang nagkamali…wag mo sana akong limutin…at sana ipakita mong mahal mo ako…kahit sa huling sandali….THE END
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
oi Sir Ron, novelist ka talaga ah!.. :-) ganun talaga ang life, we have to accept kung ano man ang darating sa atin.. At least move on na hehehe! ,, kaw Sir ha!
Post a Comment