Thursday, September 6, 2012

Love Has No Expiration Date

LOVE is a many splendored things just like some old songs says…pero…Bakit ganito ang nararamdaman ko…bakit ba parang anlakas ng attraction ko sa kanya…gusto ko siya…mali…mahal ko siya…pero ang manhid lang niya talaga…umiiyak ako dahil sa kanya…indi na ako halos makakain pag di ko siya nakikita o naririnig man lang ang kanyang tinig…ang masakit hindi niya alam ang lahat ng mga pinagdadaanan ko. Minsan ko ng nakita sa iba ang mga nangyayaring ito sa akin…karamihan sa kanila ay nabigo, nasaktan lang…ang pag ibig na iniukol nila ay tila walang kabuluhan…para ka lang bumato sa hangin o di naman kaya’y humihiling ng liwnag sa buwan…sabi ng marami ang pag-ibig na walang katugon ay ang pinakamasakit na uri ng pag-ibig…luluha kang mag-isa…mangangarap ka na lang lagi na sana…sana nga ay maging kayo…ika nga ng gasgas ng kasabihan “ang buhay ay hindi palaging happy ending”, totoo naman na walang “happily ever after” kadalasan yung mga pinapangarap natin hanggang pangarap na lang…wala na nga ata talagang masasabing perfect relationship…every love has its flaws…depende na lang sa tao kung papaano ito aayusin..dedesenyuhan…siguro nga sadyang ganito ang tadhana para tayong mga nasasawi sa pag-ibig at natututo pa lang umibig ay matuto ring makuntento…Hindi nga ba’t nagmamahal ang tao hindi dahil sa gusto mo lang siya o kaya nagandahan ka sa kanya…yun bang nagmahal ka just for the sake na my matawag kang honey, my love at sweet…kasi kung ganito ang uri ng pagmamahal na inuuukol mo sa isang tao hindi pagmamahal yan…kundi pagnanasa at kung baga sa hierarchy of needs ay luho ang iyong pagmamahal…hindi lang sa fashion may mga social climber…pati sa pag-ibig din…matuto ka dapat makibagay…at ilagay ang sarili mo sa lugar…dahil sa huli ikaw din ang masasaktan…hindi mo maaabot ang langit sa isang talon mo lang…hindi mo matutuhang mahalin ang isang tao sa isang tingin lang…love at first sight? Kalokohan! Hibang ka na ngang matatawag pag na fall ka sa isang tao sa unang kita mo pa lang…love should go to a process of getting to know each other…it is actually a long process…sa una dapat friendship lang then love and then commitment, engagement and finally you go straight to being husband and wife…parang ang dali no? But that is not always the case…that is why so many hearts have been broken…million tears have been shed…and the fact that we all know that love hurts why do we still tend to fall in love…masarap sana talagang ma-inlove but you have to make it sure na you fall in love with the right person, at the right time nd with the right reason…sayang lang ang kasi ang pagmamahal na walang katugon…wag ka ng tumulad sa iba na nagtiwala sa kasabihang “it is better to fall in love and lost than to never love at all”…para saan pa ang ma-inlove kung sa huli’y nasaktan ka at nawalan pa…hayaan mo na lang dumaan ang panahon at kasihan ka ng tadhana…dito ka sa kasabihang ito maniwala, na “dumarating ang pag-ibig na parang magnanakaw sa gabi”, the least that you expect love to arrive the greater is the chance that love will someday land right to your very heart…and since wala namang expiration date ang pagmamahal..lalo na yung pagmamahal na totoo…malamang sa malamang darating din ang magmamahal sayo di man siguro ngayon o mamaya, baka bukas malay mo.

No comments:

http://a6e2e530.tubeviral.com