Thursday, September 6, 2012
Tsamba Lang!
Ilang taon na ba ang lumipas simula ng una akong mamulat sa kaanyuan ng mundo? Mga libong oras na ata akong nangangapa kung saan tutungo. Naaalala ko pa nuon, nung ang piso ay malaki pa ang halaga. Nuong may 5 pisong papel pa. Madami na ang nagbago. Yung ibang kamag anak ko nga at mga ibang kilala ay yumao na. Parang ang bilis ng panahon 24 na pala ako ngaun. Teka muna..anu na ba ang narating ko. Pakiramdam ko indi man lang umusad ang kalagayan ko. Nung nasa elementarya ako sa Talon sabi ko kelangan pag nagtapos ako valedictorian para maging proud si nanay sa akin. Indi man natupad yun nakatapos naman ako ng elementarya. Nung hayskul naman ako sa vergon pangarap ko ang makuha ang pagiging first honor para maging scholar ako sa college kaso indi rin natupad yun. Nagsikap naman talaga akong mag aral kaso tlagang may mga mas matalino at magaling sa akin. Di rin naman ako pahuhuli sa kanila kaso sa pinansyal ako nadadale..nung minsan nga imbes na magsaya ako
sa field trip namin sa expo. Gumawa na lng ako ng aking term paper..indi man ako sumaya sa pagkuha ng mga picture sa Subic at sa paglalaro doon mas natuto naman ako sa araling aming pinag aaralan sa klase. Nung college medyo naiba ang kwento, kasi ngayon hindi na pera pera lang ang labanan, patalinuhan na talaga..maswerte naman dahil kahit hindi kinilala ang galing ko sa major graduation event, binigyan naman ako ng student council namin t mga katulad kong estudyant rin ng Area Excellence in Economics.
Nasa punto ako ngayon ng aking buhay kung saan parang andami ng possibilities kung iisipin pero kung paano yun gagawin at makakamit yun ang indi ko pa nalilinawan..siguro nga ay kulang pa ako sa focus kung kaya’t kadalasan ay nakakalagpas sa akin ang swerte..ayaw ko na rin namang mangako kasi kung sa magulang ko nga ay pumalpak ako paano pa kaya kung sarili ko pa mismo ang paasahin ko..minsan kapag matutulog na ako, iniisip ko kung ano kaya ang magiging kinabukasan ko..madami akong pangarap, madami akong ninanais marating..gusto ko
na kahit papaano ay may maipagmalaki naman ang pamilya ko nang dahil sa akin..gusto ko naman na guminhawa sila kahit konti lang..sila lang naman ang mahalaga sa akin, sila ang dahilan kung bakit ako nandirito..kaht na minsan parang gusto ko nang mawalan ng pag asa..pero naiisip ko kung paano naman sila..alam ko na kasakiman siguro na isipin ng isang anak ang mawala ng maaga para makatakas na sa mundong ito..isipin ko pa lang na umiiyak ang nanay ko at mawalan ng ulirat sa sobrang pangungulila ay nabubura na agad ang masamang isipin na ito sa utak ko..sadya nga siguro na dumarating sa buhay ng isang tao yung punto na kelangan mo munang huminto sa isang tabi at isipin kung kakanan ba, kakaliwa, babalik o dideretso? Kapag nakapili ka na kung ano ang gusto mong mangyari kelangan mo ng panindigan ito, kc ang buhay para din yang sugal may nananalo may natatalo..tanggapin mu kung ano ang nakamit mo kasi deserving ka sa bgay na yun..kung hindi man umayon iyon sa pinangarap mo marahil nagkulang ka rin o di kaya
di mo itinodo ang pagtaya..pero tulad din ng sugal, ang buhay may sapaw at draw…pag ginugol mo ang buhay sa pang gugulang at panlalamang ang karma nyan pang gugulang din may sapaw pa..Sino nga ba namang tao ang masasabi nating naging matagumpay sa buhay? Sa totoo lng para sa akin ay parang wala naman, wala maliban dun sa mga taong ang ginawa ay magpayaman at magpasikat, mga taong nagpilit maging tanyag at nagpakadalubhasa..pero kung tutuusin, tagumpay bng masasabi ang kanilang natamo gayong hindi nila na enjoy ang buhay nila sa mundo kasi kalahati nito ay nasayang dahil sa pagka-abala sa mga bagay na munti lng ang kabuluhan o wala talagang halaga..hindi rin naman natin sila masisi kasi nga yun ang kanilang pinili ang kanilang tinayaan..kaya ngayon heto nag-iisip pa rin ako kung saan tataya..kung anu ang tatahakin..Pero sa huli naisip ko rin. Kung puro pagtaya at pag sugal lang ang gagawin natin sa buhay ano kaya ang ating mrarating? Ah, basta! Ang mahalaga lang ngayon sa akin e yung maibgay ko ang pangangailangan ng pamilya ko, makakain ng 3 beses sa isang araw at matulog ng mahmbing sa gabi..basta indi ko na iisipin ang bukas..bahala na…bahala na si lord kasi siya lang naman talaga ang nakakaalam!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment